sana tuloy-tuloy na ang grasya..
maswerte ako inaamin ko sa trabaho sa STAR, saka ko lang nalaman nung natanggap ako kung gano kahirap pumasok dito kung hamak ka lang na walk-in applicant..kasi………(sikreto, hindi ko na sasabihin :p) ika nga ng isang kaibigan - “it’s a secret you’ll never know” hahahaha..pero ayos! ako ang napili nila..sana hindi sila nagkamali sa pagpili saken..
mula sa months as trainee na may pinimahan pa akong kontrata eh recommended ako for probationary ng 6 months naman..so tapos na ang 6 months at hindi ko pa rin sigurado status ko, though sinabi na ng supervisor ko na “automatic” na daw na papunta na sa sa regularization..pero ewan ko ba? basta lang sana eh tuloy-tuloy na to! thank you LORD! 
OCT29 ang totoong birthday ni lola LEONING :)
Matagal na naming sine-celebrate ang birthday ng yumao kong lola ang birthday niya ng isang buwan. Buong October birthday niya, kasi hindi na niya matandaan ang birthday niya talaga. Pero nalaman namin ang totoong petsa ng araw ng kapanganakan niya sa mahiwagang baul sa probinsya nung umuwi kami para iburol siya. Nasa baul kasi lahat ng mga mahahalagang dokumento at gamit niya. pati mga birthdays nila mama at mga tito at tita ko. So ayun October 29 ngayon, birthday niya at nami-miss ko siya, naaalala ko lagi siya pag nakikita ko yung usual na pwesto niya sa dining table namin, meaning lagi ko naaalala kapag kumakain ako. So talagang hindi mawawala sa akin ang pagkahilig sa pagkain di ba? haha. Dapat ata talaga kumuha ako ng culinary arts. Para maipagluto ko din si lola ng mga paborito niya pagkain. Mga matatamis at siyempre dinuguan at adobo ang mga paborito niyang ulam. Happy Birthday ulit lola san ka man naroroon! Love you po!
malaking problema nanaman to! I’M REALLY DEAD!
hayyy. hindi naman talaga ako masyado nagb-blog kapag may oras lang o kaya masayadong marami nang iniisip. pag windang ako o malungkot o masaya. ngayon di ko na alam gagawin ko pero come what may. di pa naman katapusan ng mundo ko diba? eto malaki kong problema. sabihin na nating me nagawa akong pagkakamali sa work at malaki talaga dahil worth 15k lang naman siguro ang halaga ng maling ad dahil sa pagiging careless ko sa pagchecheck ng ads. so ayun, ang matindi niyan last month ko na sana ito bago ako ma-regular, pero mukhang hindi na ako mare-regular, oh well that’s life i have to face it. dahil kung hindi ako makakaahon eh patay na diba? ano na mangyayari saken. kaya i have to cheer up! wooohooo!!! mag col cenner na lang kaya ako? hahaha. sobrang dami kasing pressure at bayarin ko. letse laptop ko di ko pa bayad tapos bibili daw kami ng sasakyan ako maghuhulog buwan buwan! kumusta naman yon diba? ma, pa, i’m really sorry i didn’t mean to ruin your dream. hahahaha. hahai makapag-lakwatsa at enjoy na nga lang muna bukas, half day naman ako eh. kelangan kondisyunin ang sarili muna para pag pasok ko ng opisina eh matanggap ko kung ano mang hatol ang ipapataw sa akin! hehe. wish me luck guys! 
baliw na ba ako?
MASAYA ako pero malungkot minsan….tinotopak nanaman ako! @_@
sori na po!!!
nagpa-panic ako ngayon tulad ng pagpa-panic ko pag may thesis!!! sori na po…di na mauulit..lam mo naman na puyat din ako lagi tapos kahapon 2 hrs tulog ko diba? sana mapatawad mo ako…huhuhuhu..
mahal na nga kita!!!
alam ko…sabi ng ibang tao…siguro natutuwa lang ako…hindi daw ito pag-ibig…pero mahal na nga kita!!! basta un ang paniniwala ko…
mahal kita?
nakupo!!!! "mahal kita…mahal kita hindi ito bola!!"…wahahaha…mahal na nga ba kita..e2 nanaman ako…nagsasayang ng oras sa pa-post ng blog…hahaiz!! "bagong terminong natutunan ko sa’yo!!! di ko alam kung ano’ng ginawa mo sa’kin…nahalina mo ako ng iyong kabaitan…ng iyong kakulitan..ng iyong kagandahang loob…maganda mula ulo hanggang paa..mula labas hanggang loob…"mula nang makilala ka aking mahal, ‘di ako mapalagay sa kakaisip ko sa’yo…" wahahahaha!!!! ang cute mo talaga!!!! mmmuuuaaahhh!!! ^_^ yey!!!
bagong taon…bagong kaibigan!
yay!! sa taong ito…ang una kong kaibigan..ipainakikilala ko sa inyo si _ _ _ _ m _ _ _ pero ang tawag ko sa kanya ay _ i _ _ …hehehe..pero sabi niya pag tinawag ko daw siya ganun…tatawagin niya akong _ _ _ e ! ay bastos!!! nyahahaha!!! saya no? bangag nanaman ako!!! masaya lang ^_^ pagbigyan niyo na ako!!!!
haaay!!!
ayan kapo-post ko lang na dapat maging masaya pero heto nanaman ako…nagda-drama… T.T
ewan ko ba?…siguro nga masyado lang akong filingero..tsk..tsk..tsk..kasi naman sa mga taong mababait jan…kung talagang mabait lang kayo…don’t overdo it…un kasi weakness ko!! waaahh!!! wag kayo maging masyadong mabait sa akin kundi….kundi…mag-iiba na tingin ko sa inyo!!! gusto kong makipagkaibigan sa lahat ng tao…ayoko ng nakakasakit…ayoko ng may mga kagalit kaya nga ganito siguro ako…minsan nagiging uto-uto na at palaging binu-bully kahit malaki akong tao…i want to please everyone kasi…gusto ko nakakapagpasaya ako…pero hindi ko alam na sa pagiging mabait ko..marami din pala akong nasasaktan..sabi nga ng mga kaibigan ko…dapat minsan maging prangka na daw ako…pero parang ang hirap ng ganun..parang andami mong masasaktan kapag ganun diba? pero napagtanto ko na mas marami ka ngang masasaktan kung hindi ka magpapaka-prangka..may mga taong mag-iiba ang tingin sa mga kilos na ginagawa mo…aakalaing okay lang ang lahat kahit hindi naman pala…parang..ako…kaya i’ve learned a lesson sa taong nakaraan…’wag masyadong magiging mabait…at wag din masyadong mag e-expect….kasi pag nag-expect ka…at wala lang pala un…patay na…guguho talaga mundo mo..promise…naranasan ko yan just within 3 days lang ata…natuwa…nagkaigihan…napamahal…at nasaktan!!! nakakaiyak! pero baka masyado nga lang akong nag-expect..kaya dapat ‘wag ganun!!
unang post sa unang araw ng taon
nakakapagod ang taong 2006…andaming kaganapang nangyari sa buhay ko..parang yun ang taon na mayroong pinakamaraming nangyari sa akin…maraming taong nakilala…marami ding nawala…ang buhay nga siguro…ganyan lang talaga at habang tumatanda ka..mas bumibilis ang oras para sa’yo…dapat sulitin ang bawat segundo ng iyong buhay…wag palalampasin ang mga sandaling dapat ginagawan mo ng magagandang memories…marami akong sinayang na oras nang taong iyon pero 2007 na! kelangan ko bumawi! dapat bawat segundo..oras..araw ng aking buhay may saya!! HAPPY NEW YEAR mga tao!!!!